Kakailanganin umano ng Department of Trade and Industry (DTI) ng batas na kayang palawigin ang benepisyo na dulot ng digital commerce.
Ito’y matapos kumpirmahin ni Trade Secretary Ramon Lopez na pumalo ng halos 4,000 percent ang mga negosyo na nagpa-rehistro sa DTI habang kasagsagan ng Luzon lockdown dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Lopez sa Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship na nasa 73,276 na mga negosyo ang nagpatala sa nasabing ahensya sa pagitan ng Marso 16 at Agosto 31.
Ang contactless transaction aniya ay parte na ng new normal ng publiko.
Nakapagtala rin ang DTI ng halos 12,630 complaints noong Marso hanggang Agosto. Ito’y mas mataas ng apat na beses kumpara sa 3,000 reklamo na kanilang natatanggap bago ipatupad ang lockdown.