Kinumpirma ng militar sa Marawi na kanila nang na-turnover sa PNP ang mga gamit na narekober ng mga sundalo na ninakaw ng mga teroristang Maute-ISIS.
Ayon kay Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner maaaring i-claim ng mga residente ang kanilang mga nawawalang gamit sa PNP.
Sinabi ni Brawner narekober nila ang mga nasabing gamit mula sa mga buildings kung saan nakapwesto ang mga teroristang Maute.
Una nang sinabi ni AFP spokesperson M/Gen. Restituto Padilla na all accounted lahat ang mga gamit, cash na narekober ng militar.
Samantala, restricted to barracks naman na ang anim na sundalong Army na inakusahang umano’y nagnakaw ng mga gamit.
Sa ngayon ongoing pa rin ang imbestigasyon sa mga ito.
Pagtiyak ng militar na hindi nila kino-condone ang maling gawain ng mga sundalo.