-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Bunsod ng malakas na ulan at hangin nabuwal ang mga punong kahoy sa lungsod ng Kidapawan.
Ilang mga nitso ang nadaganan ng malalaking puno sa Catholic Cemetery sa syudad.
Agad namang kumilos ang CDRRMO at pinutol ang mga punong kahoy na natumba sa sementeryo.
Ang pagkabuwal ng mga punong kahoy ay dahil sa malakas na hangin at ulan na dulot ng sama ng panahon o local thunderstorm.
Pinag-iingat ng City Govt ang mga nakatira sa gilid ng ilog at bundok sa posibling pagragasa ng baha at pagguho ng lupa.