-- Advertisements --

Maraming mga manufacturers ng noche buena products ang nagpasya na hindi muna sila magtataas ng kanilang presyo ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, nakiusap ito sa mga manufacturer na magbigay ng konsiderasyon na huwag magtaas ng presyo dahil sa coronavirus pandemic.

Ilan sa mga ito ay ang mga gumagawa ng pasta, macaroni, mayonnaise, cream at iba pang mga Noche Buena products.

Kakausapin din aniya nito ang ilang mga manufacturers ng mga hamon at fruit cocktails dahi sa balak nilang magtaas ng kanilang presyo.

Nakatakdang maglabas ang ahensiya ng suggested retails price para sa mga noche buena packages sa susunod na linggo.