-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ngayon ang hot pursuit operation ng kasundalohan laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagsagawa ng road blocking sa may Sitio Lubcon, Brgy. Mabahin, Cortes, Surigao del Sur kahapon ng umaga.

Ayon kay PLt. Jimel Aquisita sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, tinatayang 80 hanggang 100 mga rebeldeng NPA ang humarang sa daan sa naturang lugar na tumagal ng 30-minuto.

Nakuha ng mga ito ang uniporme ng isang retiradong miyembro ng Philippine Army pati na ang mga libro ng sundalo, mga combat shoes na nagkakahalaga ng P20,000 at mga pagkain matapos pasukin ang kanyang tindahan at pamamahay.

Dagdag pa ni Pol. Lt. Aquisita, bumaba ang mga ito mula sa bundok matapos maubusan ng pagkain.

Napag-alamang ng respondehan na sana ng tropa ng gobyerno ang ipina-abot sa kanilang impormasyon ay hinarang sila ng mga sibilyan dahi sa sobrang dami ng mga rebelde maliban pa na nasa komunidad ng mga sibiyan ang mga ito na maaring hahantong sa malalagas na maraming buhay sakaling sila’y magkakasagupaan.