-- Advertisements --

Bibisita sa Pilipinas ang mga nuclear energy expert mula sa France sa susunod na lingo.

Mananatili ang mga ito sa bansa mula November 12 hanggang 15 upang makibahagi sa Philippine International Nuclear Supply Chain Forum na inorganisa ng Department of Energy (DOE).

Ang French team ay binubuo ng mga kinatawan mula sa pinakamalaking electricity production company sa Europe, malalaking nuclear research technology, at mga kinatawan ng akademiya.

Magiging bahagi rin nito ang French National Agency for Radioactive Waste Management (ANDRA).

Nakatakdang ipresenta ng naturang team ang mga teknolohiyang ginagamit ng France, para magsilbing basehan ng Philippine government sa plano nitong pagpasok sa nuclear energy.

Ang France ay gumagamit ng 72% nuclear mix sa elektrisidad nito. Ito ang pinakamalaki sa buong mundo.