-- Advertisements --
Nananatili pa ring in-demand ang mga Filipino nurses sa ibang bansa kahit na may ipinapatupad ang gobyerno na temporary ban dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, masipag ang mga Filipino nurses kaya in-demand pa rin ang mga ito sa ibang bansa.
Nauna ng nagpahayag ng pangamba si Senator Nancy Binay na baka mawalan ng job opportunities sa abroad ang mga nurses kaya patatagalin pa ang temporary grounding ng mga nurses.
Base sa Philippine Overseas Employment Administration, nasa 16,000 kada taon ang ipinapadalang nurses sa ibang bansa.