-- Advertisements --

Nagbabala ang Private Hospitals Assocation of the Philippines (PHAP) na mauubos na ang mga nurses sa bansa pagdating ng hanggang anim na buwan.

Sinabi ni PHAP president Dr. Jose Rene de Grano na mayroong lima hanggang 10 porsyento ng mga nurses sa mga private hospitals ang nagbitiw na sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Karamihan aniya sa dahilan ng mga ito ay magtatrabaho na lamang sa ibang bansa dahil sa malaking sahod na matatanggap doon.

Isa sa nakita ring dahilan ni Dr. De Grano ay ang maluwag na deployment ng mga nurses sa ibang bansa at gayundin ang kakaunti lamang na pumapasa sa nursing board exams.

Kapag nagkulang ang mga nurses sa mga pagamutan sa bansa ay mapipilitan ang mga ito na limitahan ang kanilang operasyon.