Aminado ang Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) na kulang ang kanilang mga personnel sa mga pagamutan kapag lalo pang lomobo ang Delta variant ng COVID-19.
Ayon kay PHAP president Dr. Jose de Grano, halos lahat ng mga private hospitals ay dinagdagan nila ang bed capacity.
Isang malaking hamon ngayon ay ang kakulangan ng mga personnel kapag muling tumaas ang kaso ng COVID-19.
Marami kasi ngayon na mga nurses ang umaalis sa bansa at nagtatrabaho sa ibang dagat dahil sa magandang oportunidad.
Ilang mga pagamutan na rin ang napilitang magbawasa ng bed capacity dahil na rin sa kakulangan sa mga nursing staff na titigingin sa mga pasyente.
Nauna ng ipinanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling paghihigpit matapos na nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 35 kaso ng COVID-19.