KALIBO, Aklan—Nagkaroon ng break sa isla ng Boracay ang mga obispo, kaparian, cardinals at ang Apostolic Nuncio to the Philippines, His Excellency Most Reverend Charles Brown.
Ito ay matapos ang kanilang taunang retreat na ginanap sa Marzon Hotel sa Cardinal Sin Avenue sa banyan ng Kalibo, Aklan.
Ayon kay Rev. Fr. Tudd Belandres, kora paroko ng St. John the Baptist Cathedral na nagpalipas ng isang gabi sa Boracay ang nasabing mga bisita bago simulan ang ika-126th plenary assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magsisimula sa araw ng Sabado at magtatagal hanggang Hulyo 10, araw ng Lunes.
Una rito, pinangunahan ng Papal Nuncio ang misa sa Kalibo Cathedral bilang bahagi sa pagtapos ng kanilang retreat bago ang mga ito tumawid sa isla.
Habang, sa araw ng Sabado ay pangungunahan din ni His Eminence Jose F. Cardinal Advincula ng Archbishop of Manila ang misa sa St. John the Baptist Cathedral at sa araw ng Linggo, dakong alas-6:00 ng gabi ay dadalo ang lahat ng mga obispo sa gaganapin na misa.
Itinuturing na natatanging pagkakataon na napili ang Diocese of Kalibo na maging host ng nasabing event.
Halos lahat ng aktibong obispo sa Pilipinas ay dumalo sa retreat at plenary assembly.
Nabatid na ang CBCP plenary assembly ay ang twice-a-year meeting kung saan, sesentro ang asembleya sa pastoral matters kabilang na ang agenda sa moral, doctrinal at social issues.