-- Advertisements --

Makikiisa ang mga Pilipinong obispo sa isasagawa ni Pope Francis na consecrating ng Russia at Ukraine kay Maria sa Marso 25.

Ito ay sa gitna ng mas tumitindi pang kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa na nagdulot ng pagkasawi ng libu-libong mga tao kabilang na ang mga sibilyan at kabataan.

Sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na kahit na malayo ang Europa sa Pilipinas ay marami pa rin aniyang rason ang Southeast Asian nation para mangamba sa naturang hidwaan.

Dagdag pa ng prayle, maaari rin aniyang lumala pa ang nangayayaring karahasan ngayon sa Ukraine na maaaring mas magdulot pa ng karimarimarim na senaryo sa pandaigdigang digmaan sa pagitan ng Russia at mga kalaban nitong bansa tulad ng Estados Unidos at mga kaalyado nito sa NATO sa Europe.

Samantala, bukpd sa mga Pilipinong obispo ay nag-anunsyo din ang iba pang mga prayle mula sa ibang bansa, kabilang na ang mga obispo mula sa Latin America ng pakikipagkaisa sa santo papa sa consecrating sa Russia at Ukraine kay Mary.

Ang consecration ng Russia kay Maria ay bahagi ng isang fabled prophecy sa Fatima, Portugal, kung saan nagpakita ang Blessed Mother sa harap ng tatlong anak ng pastol noong 1917.

Sinasabi ng sa panahon ng pagpapakita ni Maria ay nagbabala siya tungkol sa digmaan, taggutom, at pag-uusig sa Simbahan.