-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigpit na seguridad ang ipinatupad ng pulisya sa mga official ballots na gagamitin sa darating na May 13 midterm elections sa lungsod.
Ito’y matapos matanggap ng City Comelec Office ang mga balota at itinurn-over ito sa City Treasurers Office.
Ayon kay City Comelec officer Atty. Ramil Acol na 24 oras ang pagbabantay nang kapulisan sa mga balota na inilagay sa isang secured room ng nasabing tanggapan.
Kinumpirma rin ni Atty Acol na nasa F2 logistics na ang mga Voters Counting Machine (VCM) at kanila na lamang hinihintay ang go signal ng Comelec-Manila upang maggamit ang mga ito para sa isasagawang testing and sealing ngayong Mayo 10.