-- Advertisements --
Umabot na sa sa 43,000 na mga overseas Filipino workers (OFW) na naapektuhan ng coronavirus pandemic ang nabigyan na ng tulong ng Gobyerno.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na nakatanggap sila ng mahigit 223,000 na aplikasyon para sa tulong.
Subalit tanging 150,000 lamang na mga OFW ang inaasahang mabebenipisyuhan sa P1.5 billion na budget mula sa Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program.
Dagdag pa ng kalihim na ang tanging makakatanggap ng $200 o P10,000 na financial assistance ay yung mga nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus.
Maaari aniya silang humingi pa ng karagdagang pondo sa national government para sa nasabing AKAP program.