Nagbigay paalala ang Department of Migrant Workers sa mga Overseas Filipino Workers abroad sa mga aktibidad na kanilang sinasalihan hinggil sa pagkakaaresto ni Former President Rodrigo Duterte ng International Criminal Court.
Kung saan pinaalalahanan ng naturang kagawaran ang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa na maging maingat sa kanilang mga aksyon.
Mayroon umano kasing mga Pilipino sa The Hague, Netherlands ang sumasali sa mga ikinakasang kilos-protesta na may kaugnayan sa kasalukuyang isyu ng dating pangulo.
Ayon kay Secretary Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers, dapat panatilihin ng mga manggagawa roon ang kanilang pagsunod sa batas ng bansa kung saan sila nagtatrabaho.
Ngunit payo naman niya sa mga ito na buksan ang mga puso at isipan patungkol sa usapin ng mga kinakaharap na kaso ni Former President Duterte.
‘Well OFW’s have always been mindful of their role as a good citizen and residence of the host country. So they should be mindful of complying to the host country of the laws. And should also open their hearts and minds about the issues,’ ani Secretary Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers.
Naniniwala kasi siya na pinag-isipang mabuti ang mga naging hakbang ng pamahalaan at mga desisyong isinakatuparan na naayon sa interes ng taumbayan.
‘The presidential action is always brought about by careful decision making and the interest of the nation on the part of the president,’ dagdag pa ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.