-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nangangamba ngayon ang karamihan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong dahil sa patuloy at lumalalang rally sa nasabing lugrar maliban lamang sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Bombo International Correspondent Rose Alcid na taga-Taglugtug, Candon City, Ilocos Sur, nagpapatuloy ang pagpapasabog ng mga tear gas at kung hindi pa mahinto ang gulong kanilang nararanasan ay hindi na umano nila masigurado kung ano ang magiging kalagayan nila dahil sa plano na rin ng kanilang mga amo na umalis at magtago sa ibang bansa gaya na lamang ng United Kingdom.

Nagsimula ang rally dahil sa kagustuhan ng mga democrats na kontrahin ang National Security Law na nais ipatupad ng China at ang pagpaparusa sa mga taong hindi umano inirerespeto ang kanilang pamabansang awit.

Dahil diyan ay pinaniniwalaan ng mga nagproprotesta na kung maipatupad man ang nasabing batas ay mahahadlangan ang kalayaan ng mga ito.

Nagpapatuloy naman ang kanilang pagsunod sa mga COVID-19 protocols sa nasabing lugar ngunit aniya ay hindi na ito mahigpit na naipapatupad gaya ng dati.