Nananawagan si Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee sa gobyerno ng Pilipinas na kung maaari ay payagan ng makauwi ang mga overseas Filipino workers (OFWs).
Kasunod ito sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Indonesia.
Sinabi ni Ambassador Wee na sumulat na ito sa Inter-Agency Task Force at Department of Foreign Affairs (DFA) sa bansa para sa pagpapauwi sa mga OFW.
Karamihan sa mga nais na pauwiin ay ang mga napaso na ang kanilang mga kontrata.
Nauna rito mayroong 10 Filipino ang nasawi sa Indonesia matapos na dapuan ng COVID-19.
Itinuturing na ngayon ang Indonesia bilang epicenter ng COVID-19 dahil sa dami ng infections at nasasawi dahil sa Delta variant ng COVID-19.
Una nang nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa naturang bansa.