-- Advertisements --

CAUAYAN CITY -Patuloy na bumabagsak ang palitan ng Russian ruble kontra Phil. Peso sanhi para maapektuhan ang mga overseas Filipino workers kasabay ng pagsasara ng ilan pang mga negosyo sa Russia.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi Gng. Marilou Merlin, OFW sa Moscow,na bumaba ang palitan ng Russian Ruble sa Peso.

Sinabi niya na kung dati ang 113 Russian Ruble na pinapadala sa Pilipinas ay katumbas ng mahigit Php100,000.00 ngayon buwan ng Marso ay umaabot na lamang sa Php50,000.00.

Sa ngayon ay nahihirapan na ang mga OFW sa Russia dahil sa pagbagsak ng Russian Ruble ngunit nagtitiis na lamang sila habang ang ilang nagpaso na ang visa ay umuuwi na sa Pilipinas

Sinabi pa ni Gng. Merlin na patuloy ang pagpapaalala ng Embahada ng Pilipinas sa Moscow sa mga OFW na umiwas sa mga nagsasagawa ng kilos protesta upang maiwasang madamay sa mga hindi kanais nais na pangyayari.