-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Sa harap ng pag-atake ng Russia sa Ukraine, nangangamba ang karamihan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Russia sakaling tuluyang humina ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Bombo International Correspondent Alma Arcilla ng Moscow sa oras na ipatupad ang karagdagang economic sanctions sa mga international banking at financial transactions sa naturang bansa, maaaring mabawasan at mahirapan na silang makapadala ng pera sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas.

Ramdam na rin umano nila ang epekto ng pagbaba ng halaga ng ruble, ang tawag sa pera ng Russia.

Dagdag pa ni Arcilla na maraming mga Russians rin ang natatakot na muling maranasan ang financial crisis na nangyari sa kanilang bansa noong August 17, 1998 na tinawag nilang “ruble crisis” o “Russian flu”.