-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Maraming Overseas Filipino Workers o OFW sa Singapore ang hindi sang-ayon sa mungkahing pagpapatupad ng Travel Ban ng Pilipinas sa nasabing bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Era Alphine Gamet tubong lalawigan ng Quirino at OFW sa singapore, sinabi niya na maraming kapwa niya OFW ang nakatakda sanang magbakasiyon dito sa Pilipinas ngunit hindi na itinuloy.

Ito ay dahil sa takot na magpatupad ang pamahalaan ng Pilipinas ng travel ban sa Singapore at nanganganib na hindi na makabalik pa.

Aniya karamihan sa mga nakatakda nang bumalik ng pilipinas at kasalukuyan nang nakakuha ng tickets pabalik ng bansa ay ang mga OFW na nagpaso na ang kontrata at dapat nang bumalik ng Pilipinas.

Sinabi niya na kapag nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas ay tiyak na maapektuhan ang libo libong OFW sa Singapore.