Nanatiling naka-lockdown ang bansang Spain kung saan karamihan sa Pilipino na nasa naturang bansa ang wala pa ring trabaho at nakaasa lamang sa ayuda.
Sa panayam ng Star FM Baguio kay Bombo International Correspondent Julian Duque, isang dating hotel waiter sa La Coruna, Spain, inihayag nito na dahil sa krisis ay kasalukuyang maraming mga OFW ang walang trabaho at kinailangang pumila ng hanggang 3 oras para makakuha ng ayudang pang isang araw lamang.
“2-3 hours ang pinila nila, everyday po yun bibigyan ka nila ng ayudang for one day. Umaabot po sila ng 2-3 hours para lang dun sa ayuda mula sa government. Nagtiyatiyaga po silang pumila dahil wala po talagang source of income na pumapasok sa kanila,” saad ni Duque.
Karamihan din umano sa mga taga-Espana ang umaasang tatanggalin na ang lockdown sa May 24 para makabalik na ang mga ito sa trabaho.