LAOAG CITY – Hindi agad pinapasok sa trabaho ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos bumalik sa South Korea mula sa pagbakasyon nila dito sa Pilipinas dahil sa coronavirus.
Ito ang report ni Bombo International Correspondent Ogien Sacoco sa Seoul, South Korea.
Sinabi ni Sacoco na kababalik lamang niya sa South Korea ngayong buwan pero hindi agad bumalik sa trabaho dahil pinayuhan siya ng kanyang employer na magself-quarantine muna ng halos isang linggo.
Aniya, ang ibang OFW sa nasabing bansa ay pinayuhang mag-self-quarantine ng hanggang 14-days bago bumalik sa kanilang trabaho.
Dagdag niya na layunin ng nasabing hakbang ay upang masiguro na hindi sila apektado ng coronavirus.
Sa ngayon ay umabot na sa pito ang kumpirmadong patay sa South Korea dahil sa nasabing virus.