Inanunsiyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na hindi na kailangang sumailalim sa quarantine ang mga overseas Filipino worker (OFW) na patungo sa United Arab Emirates (UAE).
Inuri ng Abu Dhabi ang Pilipinas na kabilang sa mga “green countries” na ang mga mamamayan ay maaaring direktang makapasok sa Arab country na hindi na sumasailalim sa karagdagang quarantine ayon kay POEA chief Bernard Olalia.
Gayunpaman, kailangan pa ring magpakita ng negatibong resulta sa RT-PCR test na ginawa sa loob ng 48 oras bago ang biyahe.
Bibigyan aniya ng panibagong swab test ang mga travelers pagdating sa Abu Dhabi sa ikaanim na araw.
Hindi rin kailangang sumailalim sa quarantine ang mga hindi pa nabakunahang biyahero ngunit kailangan pa rin ng negatibong resulta ng RT-PCR test.
Dagdag ni Olalia, susuriin din sila pagdating sa loob ng ikaanim at ikasiyam na araw.