-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Aminado ang ilang mga overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Brazil na nakakaranas ang mga ito ng anxiety o panic attacks dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Maria Annabelle Vigonte, nagtratrabaho bilang domestic helper sa Brasilia, Brazil na maliban sa takot na kanilang nararamdaman dahil sa COVID-19 ay labis din nilang inaalala ang kanilang pamilya na mag dadalawang buwan ng hindi napapadalhan.

Sinabi pa ni Vigonte na mula nang magpatupad ng lockdown sa kanilang lugar sa Brasilia ay ipinagbawal muna ang pagbubukas ng remittance.

Dahil dito ay hirap silang makapagpadala ng pera sa Pilipinas na siyang pangunang inaasahan ng kanilang pamilya.