Isasailalim ng Department of Migrant Workers sa mandatoryong contract verification at documentary processing ang lahat ng mga Pilipinong Migrant Workers sa naturang lugar.
Sa inilabas na Advisory No. 9 ng ahensya ay sinabi ni DMW officer in charge Hans Leo Cacdac na ang puno’t-dulo ng advisories na ito ay maayos na verification ng mga dokumento at maaayos na pagpo-proseso sa mga OFW na patungo sa Canada.
May mga programa kasi aniya sa naturang bansa ang nakahanda na ang current nominee programs, at permanent residency program kung saan ang entry point ng Canada ay trabaho na may kaugnayan sa pansamantalang hanapbuhay.
Sabi ni Cacdac, isa sa mga problema nito ay ang mga recruiters na bumibiktima sa mga indibidwal na nag nanais na maging OFW, at nagpapataw naman ng malaking halaga bilang exorbitant fees.
Pangunahin layunin aniya nito ay ang pagpigil sa illegal recruitment at trafficking ng mga biktima, gayundin ang isang pamamaraan para sa mas maigting na pagbabantay sa magandang kapakanan ng mga OFW sa Canada.