BAGUIO CITY – Sapilitan na sasailalim sa COVID-19 Test ang lahat ng Overseas Filipino Workers o OFWs sa Israel bago mapayagang bumalik sa kani-kanilang trabaho.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Maria Theresa Guiling, isang caregiver sa Israel, sinabi niya na bumabalik na sa normal ang sitwasyon doon sa nasabing bansa matapos maisailalim sa dalawang buwan na lockdown ang bansa dagil pa rin sa COVID-19.
Aniya, sapilitan na sasailalim sa COVID-19 Test ang lahat ng mga OFWs doon para matiyak na COVID-19 free ang mga ito.
Ibinahagi niya na nabigyan ng 200 Dollars ang bawat OFWs mula sa OWWA na nawalan ng trabaho dagil sa pandemic.
Ayon pa sa kanya, nabigyan din ang mga ito nga bahay na pwedeng tulugan habang naghahanap sila ng trabaho sa Israel.