-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ilang batches ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Myanmar angumuwi na ngayong araw maliban pa sa mga uuwi bukas dahil delikado na rin ang kanilang seguridad pati ang iba pang mga foreigners dahil sa araw-araw na madugong mga protesta.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Namie Suazo na nakaramdam na siya ng nerbyos lalo na’t naglunsad na ang mga police ng house-to-house raids at hinuhuli ang mga taong pinagdududahang nakisimpatiya sa mga demonstador kungsaan ang iba ay pinagbabaril.

Kitang kita umano sa kanilang mga mata at kinunan pa nila ng mga videos ang mga karahasang pinagagawa ng mga security forces sa mga raliyesta kungsaan may ibang pinagbabaril kung kaya’t halos araw-araw na lang na may maitalang namatay.

Inihayag pa nito na ang lumabas na bilang ng mga napatay sa demonstrasyon ay mababa sa aktwal umanong mga napatay ng security forces dahil may mga napatay din sa iba pang mga townships na umabot umano sa mahigit 50.