GENERAL SANTOS CITY – Nakaalerto pa rin sa posibleng aftershocks ang mga residente sa Taiwan matapos tumama ang 7.4 magnitude na lindol. Ito ang ipinaliwanag ni Agrifino Tagbacaula Bombo International correspondent sa Taiwan na normal na umano ang lindol na nararanasan sa nasabing lugar.
Ngunit aminado siya na kahit sinanay ang mga residente ngunit hindi nila inakala nga ganon kalakas ang tumama kahapon.
Inamin din niya na sa 13 taon niyang paninirahan sa Taiwan, ngayon lang siya nakaranas ng gano’n katindi na lindol.
Sa kabila nito, pinuri niya ang pagkakagawa ng mga istruktura sa Taiwan, na ang ilan ay nakatayo pa rin matapos tamaan ng malakas na lindol.
Pinuri din nito ang mabilis na pagtugon ng gobyerno ng Taiwan sa nangyaring kalamidad. Ilang segundo lamang aniya matapos tumama ang lindol, agad na rumesponde ang mga kinauukulang ahensya upang suriin ang mga taong na-trap sa mga istruktura kabilang ang mga pinsala.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag din ni Agrifino na nangako ang gobyerno ng Pilipinas na tutulong sa kanilang pangangailangan.
Sa katunayan, aniya, mayroon nang ibinigay na numero sa kanila na makontak kapag kailangan nila ng tulong sa embahada ng Pilipinas.
May sinabi rin ito sa mga kasamahang OFW sa Taiwan na pabatilihin pa rin ang pag-iingat