-- Advertisements --

Hinihintay na lamang na ihayag ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim ang mga napili nitong OIC Mayor, OIC Vicemayors at mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng walong bagong bayan sa SGA o Special Geographic Areas.

Gagawin ang paglalahad ng mga napiling pangalan sa mga susunod na araw o bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Sinabi ni BARMM Cabsec At Spox Mohd Asnin Pendatun na nasa tanggapan na ng punong ministro ang mga aplikante na kanilang nireview at pumasa sa screening process.

Ngunit ayon kay Pendatun, nakay Ebrahim ang pinal na desisyon.

Ayon kay Pendatun nasa 40 ang aplikante sa pagka OIC Mayor, 39 sa OIC Vice Mayor at ang sa Sangguniamg Bayan naman ay aabot sa 288.