-- Advertisements --

Pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpapadala ng nasa 1,200 kilos ng mga bagong pitas na Okra patungong South Korea.

Ito ang una sa tatlong shipments kung saan inaasahan na darating ito sa Korea sa loob ng 36 hours lulan ng Phiippine Airlines.

Istriktong sumunod sa sanitary at phytosanitary requirement at Good Agricultural Practices para matiyak na ligtas at de-kalidad ang mga okra.

Nakasaad din sa packaging ang petsa kung kailan ito pinadala.