-- Advertisements --

Nakatakdang sampahan ng kaso sa susunod na linggo ng Department of Justice ang mga nasa likod ng smuggling at manipulasyon ngsa preyo ng sibuyas.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, na kasong kriminal ang nakahandang kaso na kanilang isasampa.

Mangunguna ang National Bureau of Investigation at isa nilang undersecretary na siyang maghahain ng reklamo laban sa mga price manipulators ng mga sibuyas.

Magugunitang noong Hulyo ay inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang DOJ at NBI na imbestigahan ang mga smuggling ng mga sibuyas at iba pang mga agricultural products at maging ang manipulasyon ng presyo para ito ay tumaas.