-- Advertisements --

Napilitan ang gobyerno ng Canada na isara ang karamihan sa kanilang online portals matapos ang naganap na cyber attacks.

Ayon kay Marc Brouillard, acting Chief Information Officer for the government of Canada, nitong Sabado ay tinarget ng cyber attack ang Canadian Revenue Agency.

Agad nilang isinara ang portal at nasawata ang nasabing tangkang atake.

Nasa mahigit 11,000 sa 12 million personal accounts ang nakompromiso kabilang ang tax accounts at online portals na may access sa COVID-19 relief programs.

Inaalam na ng mga otoridad ang nasa likod ng pang-aatake.