Kinontra ng grupong Concerned Online Citizens ang nominasyon ni presidential spokesperson Harry Roque sa International Law Commission.
Sumulat ang grupo sa ILC at mga representatives ng United Nations para kontrahin ang dating human rights lawyer.
Ayon sa grupo mula ng maitalaga ito noon bilang presidential spokesperson ay hindi na sang-ayon si Roque sa freedom of expression, press freedom, due process at ibang mga fundamental rights na naaayon sa batas sa bansa at sa buong mundo.
Tinawag pa nila si Roque bilang tagapagtanggol ng extrajudicial killings at naging attack dog laban sa International Criminal Court.
Ang nasabing sulat ay pirmado ng mga bloggers, content creators, artists, influencers at Filipino social media users.
Nauna ng kinontra rin ng Executive Committee ng University of the Philippines (UP) Diliman ang nominasyon ni Roque sa ICC.