-- Advertisements --
Nanawagan ang ilang mga online sellers sa gobyerno na hayaan muna silang makabangon mula sa coronavirus pandemic bago sila piliting magparehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Bagamat marami ang umaalma sa nasabing kautusan ay may ilan naman ang sang-ayon subalit dapat na sila ay bigyan ng sapat na panahon para makabangon mula sa krisis.
Magugunitang naglabas ng memorandum ang BIR na dapat iparehistro na ng mga online sellers ang kanilang negosyo para maiwasan na sila ay mamultahan at maharap sa kaso.
Nilinaw din ng BIR na hindi na sila pagbabayaran ng P500 registration fee at P30 documentary tax stamp ang mga online sellers.