-- Advertisements --

Inutusan ng Department of Trade and Industry ang dalawang malalaking online platform na Lazada at Shoppe na magpaliwanag dahil sa umanoy mali at mapanlinlang na mga produktong ibinebenta sa online.

Ito ay sa gitna na rin ng kaliwat kanang reklamo na umabot sa tanggapan.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, kabilang sa mga natatanggap nilang reklamo ay ang umano’y paglipana ng mga scammer na nag-aalok ng mga mapanlinlang at hindi patas na presyo.

Maliban dito, hindi rin umano tugma ang mga ibinebentang produkto sa mga ipinapakita sa kanilang online platforms.

Ang mga nasabing reklamo aniya ay nakakasira sa kredibilidad ng e-commerce sa bansa.

Ayon kay Pascual, mayroon lamang 72Hrs ang dalawang nasabing online shopping app upang ibigay ang kanilang kasagutan.

Kasabay nito, tiniyak naman ng opisyal na lalo pa nilang palalawakin ang kanilang kampanya laban sa mga mapanlinlang na pagbebenta ng mga produkto sa mga online platforms.