-- Advertisements --

Tuluyan ng isasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga open dumpsites sa bansa.

Sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na hindi na papayagan ang operasyon ng mga open dumpsites hanggang sa katapusan ng Marso.

Iginiit pa ng kalihim na ang nasabing pagpapasara ng mga dumpsites ay base na rin sa isinasaad ng batas sa ilalim ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Sa kabuuang 233 na operational open dumpsits noong Enerog 2021 ay 169 na ang naisara.

Mayroong 107 ang isinara na ng mga local government units habang 62 dito ang nabigyan na ng cease and desist orders.

Ang mga lugar na ipapasara hanggang sa katapusan ng Marso ay mula sa Mimaropa, Western at Central Visayas, Bicol at Northern Mindanao.

Pinakamaraming open dumpsites ang Mimaropa na mayroong 28 na sinundan ng Western Visayas na mayroong 19.