-- Advertisements --
Aaron Aquino PDEA
PDEA Director Aquino

Sumailalim sa surprise drug test ang nasa mahigit 600 opisyal at kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Biyernes.

Ipinagmalaki ni PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino na nagnegatibo sa iligal na droga ang lahat ng kanilang mga kawani na kinuha mula sa urine samples na isinumite ng mga Drug Enforcement Officers.

Gayundin sa Administrative, Technical, Contractual personnel kabilang na rin ang Security at Maintenance Personnel ng mga ito.

Ayon kay Aquino, layon ng nasabing mandatory drug test sa PDEA bilang pagtupad sa polisiya ng pamahalaan na gawing drug free ang lahat ng mga government agencies.