-- Advertisements --

Isasailalim sa isang performance evaluation ang lahat ng mga opisyal at empleyado sa lahat ng tanggapan ng Presidential Communications Office (PCO).

Ito ang kinumpirma ni PCO Secretary Jay Ruiz matapos dumalo sa flag raising ceremony kaninang umaga.

Sa kaniyang mensahe sa mga empleado ng ahensiya, ipinaliwanag nito na standard operating procedures ang pagsusumite ng courtesy resignation sa mga ahensiya ng gobyerno kapag may bagong umuupong pinuno nito.

Matatandaan na naglabas ng memorandum si executive secretary lucas bersamin na nag uutos ng pagsusumite ng courtesy resignatio sa lahat ng mga hindi permanenteng itinalaga sa PCO.

Dahil dito, sinabi ni Ruiz na magkakaroon sila ng evaluation sa performance ng bawat tanggapan ng PCO.

Ayon sa kalihim, naka depende aniya sa performance na ipinakita ng mga tanggapan at mga kawani kung karapat dapat silang panatilihin sa pwesto o kailangang maglagay ng kapalit.

Sinabihan na rin ni Ruiz sa mga opisyal at empleyado ng PCO na magdadala siya ng sariling tao na kaniyang pinagkakatiwalaan.

Mahirap naman kasi aniyang magtrabaho nang hindi niya kilala ang makakasama.

Nilinaw naman ni Ruiz na hindi personalan, at hindi madadaan sa palakasan, pagiging kakilala o kaibigan ang pagkuha niya ng mga tao, kundi base sa trabaho at kakayahan.

Sa susunod aniyang dalawa hanggang tatlong linggo ay posibleng makumpleto na ang hanay ng mga opisyal at tauhan na kakailangin sa PCO.