-- Advertisements --

Ipinag-utos ni outgoing PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang pag relieved sa pwesto sa mga opisyal na sangkot sa subsistence allowance controversy ng Special Action Force (SAF).

Ayon kay PNP Spokesperson CSupt. John Bulalacao na ang pag sibak sa pwesto sa apat na police officers ay para bigyang daan ang ongoing investigation ng Office of the Ombudsman.

Ang mga sinibak sa pwesto ay si dating SAF director PDir. Benjamin Lusad na ngayon at hepe ng DIPO-Southern Luzon.

Bukod kay Lusad, sinibak din sa pwesto ang tatlo iba pa na sina PNP SAF budget and fiscal officer PSupt. Andrei Dizon, PO2 Maila Bustamante, at SPO1 Jack James Irica.

Kasong Plunder at malversation of public funds ang isinampa laban sa apat na opisyal dahil sa umanoy hindi naibigay na P59 million subsistence allowance para sa mga SAF troopers na idineploy sa Marawi City.

Napag alaman na simula 2016 hanggang 2017 ang hindi naibigay ng SAF sa mga tauhan nito.

Ayon naman kay outgoing PNP chief Ronald Dela Rosa, tutukan ni incoming PNP chief Oscar Albayalde ang naturang kaso at sisiguraduhin na maibibigay sa mga SAF kung ano ang para sa kanila.