CENTRAL MINDANAO – Mananagot umano ang mga opisyal ng barangays sa probinsya ng Cotabato na walang ginagawa laban sa COVID-19.
Ang kautusan ng pamahalaang panlalawigan ay para makaiwas sa patuloy na paglobo kaso ng Coronavirus Disease.
Ayon sa tagapagsalita ng COVID-19 task force sa probinsya na si Board Member Philbert Malaluan, pina-activate na ng provincial government ang Barangay Health Emergency Response team na siyang tututok sa kanilang mga nasasakupan na bago lamang dumating mula sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng sakit.
Kung may mga ma-monitor man ay dapat agad ipagbigay alam o i-report sa LGU o sa tawagan na mismo ang hotline ng provincial government sa numerong 09100-1011-01 upang agad na mabigyan ng kaukulang aksyon.
Papatawan naman ng penalty ang sinumang mga barangay official na hindi tatalima sa nasabing kautusan.
Magbibigay naman ng pinakuhuling datus ang provincial government hinggil sa kaso ng PUM at PUI sa kanilang mga official Facebook page.
Sa ngayon ay nananatiling COVID free ang probinsya ng Cotabato.