-- Advertisements --

Inilagay ng Lebanese cabinet sa house arrest ang mga opisyales na sangkot sa pagsabog sa Beirut port.

Sinabi ni Lebanese Minister of Displaced People Ghada Shreim, ito ay para mabigyang daan ang gagawing imbestigasyon.

Kinabibilangan ito ng mga opisyal na siyang nangangasiwa sa storage, guarding at investigating ng Hangar 12 mula 2014 hanggang kasalukuyan.

Magugunitang umabot na sa mahigit 100 ang patay sa naganap na pagsabog sa bodega ng ammounium nitrate na nagdulot din ng pagkasira ng ilang katabing gusali.