NAGA CITY – Nahaharap ngayon sa kasong falsification of public documents at grave misconduct ang ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-3rd Engineering District, Camarines Sur.
Ito’y may kaugnayan sa ipinapatayong administrative building ng Engineering Office sa Canaman Camarines Sur kung saan hindi umano ito sumunod sa inilaang panahon sa pagpapagawa ng gusali.
Sa binitawang pahayag ni Atty. Diego Magpantay ng Citizens Crime Watch, sinabi nitong ipapaubaya na nila sa Ombudsman ang imbestigasyon sa naturang kaso para malaman ang panig ng mga akusado kung guilty sa kaso.
Kasama sa mga sinampahan ng kaso sina Engr. Rebecca Roces, district engineer ng DPWH 3rd Distict CamSur; Engr. Eduardo A. Alejo Jr., chief of construction; Engr. Debbie Escuro, project engineer; at Neil Harby Salazar, managing officer ng CHA Construction and Supply.
Samantala, sinubukan naman ng Bombo Radyo Naga na kunan ng pahayag ang DPWH 3rd Distict CamSur ngunit tumanggi itong magbigay ng statement dahil hindi pa umano nakakarating sa kanila kopya ng naturang kaso.