-- Advertisements --

Nakatakdang kuwestiyunin ng prosecutor sa Italy sina Italian Prime Minister Giuseppe Conte at kanilang health and interior ministers kung paano nila hinawakan ang coronavirus pandemic.

Inilunsad ng mga prosecutiors sa Bergamo city, ang lugar sa Lombardy region na malubhang tinamaan ng virus.

Nais nilang malaman kung bakit hindi nagpatupad ng red zone mula pa noong Pebrero kung habang tumataas pa noon ang kaso ng virus sa bayan ng Nembro at Alzano.

Pangungunahan ni chief prosecutor Maria Cristina Rota ang pagsasagawa ng imbestigasyon kay Conte, Health Minister Roberto Speranza at Interior Minister Luciana Lamorgese.