-- Advertisements --
Nagkasundo ang mga opisyal ng Louiseville, Kentucky na magbayad na lamang ng $12 million sa pamilya ni Breonna Taylor ang black American na pinatay ng mga kapulisan sa bahay nito.
Sinabi ng abogado nito na si Lonita Baker na isang hakbang pa lamang ito para tuluyang makamit ni Taylor ang hustisya.
Nais kasi ng kaanak nito na tuluyang maaresto ang mga sangkot na kapulisan.
Magugunitang limang beses na pinagbabaril ang 25-anyos na si Breona noong Marso 13 matapos na pagkamalang nagtutulak ito ng droga.
Isa rin itong empleyado ng emergency medical technician sa nasabing lugar.