Exempted sa visa ang mga opisyal ng pamahalaan na nais bumisita sa Japan.
Ito ang inihayag ni Japan Prime Minister Fumio Kishida.
Ginawa ni Kishida ang anunsiyo sa isinagawang Summit-Level Working Dinner kasama si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Malugod naman na tinanggap ni Pangulong Marcos ang anunsyo ng Japan at ipinahayag ang kanyang pag-asa na mabuo ang momentum na ito upang higit pang mapadali ang people-to-people exchanges sa pagitan ng dalawang bansa.
Hindi pa ibinunyag kung kailan ito magiging epektibo.
Nasa Tokyo si Marcos para sa isang opisyal na pagbisita kung saan 35 investment deal sa imprastraktura, enerhiya, pagmamanupaktura, at pangangalagang pangkalusugan ang napirmahan sa pagitan ng dalawang pamahalaan.
Babalik ang Pangulo sa Maynila sa Linggo, Pebrero 12.