-- Advertisements --
Pinaplano na ngayon ng mga opisyal ng Sydney, Australia tapusin na ang lockdown hanggang sa susunod na buwan.
Mula pa kasi noong Hulyo ay inilagay sa lockdown ang capital ng New South Wales dahil sa patuloy na pagtaas ng Delta variant ng COVID-19.
Naglabas ang state government ng “roadmap to freedom” bilang bahagi ng plano ng pagbubukas ng ekonomiya.
Magiging epektibo lamang aniya ang bagong kalayaan kapag mayroong 70% ng mga adults ang naturukan na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines.
Nauna ng sinabi ni Premier Gladys Berejiklian na dapat matuto na ang mga tao na mag-adjust sa virus dahil ito ay mananatili na sa buhay.
Mayroon kasing 43% ng mga adults sa lugar ang fully vaccinated na habang 75% lamang ang naturukan na ng first dose.