-- Advertisements --
Sinibak ng Ethiopia ang pitong senior opisyal ng United Nations (UN).
Mayroong hanggang 72 oras ang mga ito bago tuluyang lumayas sa Ehiopia.
Ito ay matapos ang naging pagbabala ng UN aid chief na magkakaroon ng malawakang tag-gutom sa northern Tigray dahil sa pagharang sa mga tulong.
Kabilang sa mga pinapatanggal ay ang opisyal ng UN Children Fund (UNICEF) at ang UN Office of Humanitarian Affairs (UNOCHA).
Inakusahan kasi ng Ethiopian Ministry of Foreign Affairs ang mga opisyal ng UN na nakikialam sa internal affairs ng bansa.