-- Advertisements --

Nagkaroon ng low-profile virtual meeting ang ilang senior officials ng US at Israel .

Tinalakay sa nasabing pagpupulong kung paano mapababa ang tensiyon sa pagitan ng Israel at Hamas.

kabilang sa pagpupulong sina White House National Security Adviser Jake Sullivan , advisers Amos Hochstein at Brett McGurk.

Habang sa panig naman ng Israel ay kinabibilangan ng Minister for Strategic Affairs at Ron Dermer, ang confidant ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Kasama rin na isusulong nila ay ang pagkakaroon ng Peace deal sa pagitan ng Israel at Hamas.

Una ng umusbong ang tensiyon sa Israel at Hezbollah noong huling linggo ng Hulyo matapos na akusahan ng Israel ang Hezbollah na siyang nasa likod ng rocket strike sa football field sa Golan Heights na ikinasawi ng 12 katao.