-- Advertisements --

Nakatakdang mapabilang na maging speaker sa gaganaping  Catholic bishops retreat sa Bukidnon  ngayong linggo ang isang Vatican official.

Ito ang kinumpirma ng Catholic Bishops Conference of the Philippines News .

Ayon sa CBCP, gaganapin ang naturang event sa July 2 – 4 ng kasalukuyang taon sa Transfiguration Abbey in Malaybalay, Bukidnon.

Kabilang rin sa inanyayahang magsalita ay ang  theologians na sina Fr. Reynaldo Raluto at Fr. Daniel Franklin Pilario.

Si Raluto ang tagapangulo ng Integral Ecology Ministry ng Diocese of Malaybalay habang si Pilario ay presidente ng Adamson University sa Maynila.