-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagkasundo ang mga local chief executive sa Western Visayas na pansamatala muna ipatupad ang status quo hinggil sa resolution 101 na inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kun saan ang testing ay hindi na magiging mandatory sa mga travelers.

Ito ang napagkasunduan sa ipinatupad na panel discussion ng Bombo Radyo na kinabibilangan ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., Iloilo City Mayor Jerry Treñas, Antique Governor Rhodora Cadiao, Bacolod City Mayor Evelio “Bing” Leonardia, Negros Occidental Governor Eugenio Jose “Bong” Villareal Lacson at Capiz Governor Esteban Evan “Nonoy” Contreras.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Defensor, sinabi nito na ang mga kasapi ng Western Visayas Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ay nagkaisa na pansamantalang ipatigil ang pagpatupad ng IATF Resolution 101 kaugnay sa land, air, and sea travel.

Ang nasabing pahayag ni Defensor ay kinatigan rin ng mga kapwa local chief executives sa Western Visayas kung saan napagkasunduan rin ng mga ito ang pagsaalang- alang sa kalusugan ng publiko at ng ekonomiya.

Napag-alaman na nagpapatuloy na ang inoculation ng Sinovac Vaccines sa Western Visayas.