-- Advertisements --

Inilabas na ng World Boxing Council (WBC) ang pangalan ng magiging referee sa laban ni Pinoy boxer Melvin Jerusalem.

Ayon sa WBC na magiging third-man sa ring si Yuji Fukuji ng Japan.

Magaganap ang unang defense ni Jerusalem ng kaniyang minimumweight crown laban kay Luis Castillo ng Mexico sa darating na Setyembre 22 sa lungsod ng Mandaluyong.

Napili naman na maging judges sina Korean Shin Kyoung-ha, American Stephen Blea at Filipino Arnulfo Najera.
Habang si Tsuyoshi Yasukochi ay itinalaga bilang fight supervisor.